Mga Anyong Lupa – Different types of Landforms
Here are the different types of landforms (mga anyong lupa), with their description and photos.
KAPATAGAN (plain) – Mababa, malawak at patag na lupain na maaring taniman.
Halimbawa: Kapatagan ng Gitnang Luzon
PULO (island) – Maliit na anyong lupa na napapaligiran ng tubig.
Halimbawa: Boracay, Camiguin, Siquijor, batanes
BUNDOK (mountain)– Ito ang pinakamataas na anyong lupa.
Halimbawa: Mt. Apo, Mt. Makiling
BUROL (hill) – Mataas na anyong lupa ngunt mas mababa kaysa sa bundok.
Halimba: Chocolate Hills (Bohol)
Kuweba (Cave) – Anyong lupa na may likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.
Halimbawa: Calbiga Cave, Aglipay Caves, Callao Cave, Puerto Princesa Underground River Cave.
BULKAN (volcano) – Ito ay isang uri ng bundok. Ito ay maaaring magbuga ng apoy o mainit na putik at maaring sumabog.
Halimbawa: Bulkang Mayon, Bulkang Taal
LAMBAK (valley) – Mababang lupain sa pagitan ng bundok o burol .
Halimbawa: Lambank ng Cagayan,
KABUNDUKAN (mountain ranges) – Ito ay hanay ng mga bundok na magkakaugnay.
Halimbawa: Sierra Madre, Cordillera